Wednesday, February 8, 2012

2 - 0 - 1 - 2


First post ko ngayong 2012. Sipag ko kasing magblog ahaha.

Hmm medyo maganda ang simula ng taon sa kin. Japan flag. Yes, OO malapit na ata akong kantahan ng 'Napakaraming Nurse dito sa amin, pero bakit nawawala sila? Nagaabroad sila? ahaha.

First week nitong taong to nung matanggap ko ang text na for interview na nga ako. Naghintay pa ko ng halos isang buwan dahil di daw nakauwi ung employer, direct hire kasi. Ngayon nga maghanda na daw ako dahil next week na ang interview ko.

Ang tanong handa na ba kong maging OFW? Hahay December ako nagpasa ng application sa kanila 2 months ko na atang hinahanda ang sarili ko. Pero hinding hindi ka magiging handa umalis na bayan mo para magtrabaho at malayo sa pamilya mo. :(

4 comments: