Sunday, February 19, 2012

Makabuluhang Weekend!

Simula nung naging member ako ng music ministry ng church namin naging makabuluhan na nga weekend ko. Before kasi anong oras na ko nagigising pag Saturday or Sunday.

Last Saturday birthday ng isa sa pinakabatang miyembro namin si Rachel kaya nagliwaliw kami sa SM Megamall. Naks di common na ginagawa namin yan ahaha. Namalimos pa kami ng budget dahil puro student ang mga kasama ko dun ahaha.

Super saya lang :)

Kung tatanungin nyo kung anong silbi ko sa ministry. Ehem ehem, isa lang naman ako sa song leader ahaha. Kung paano ako napunta dun? Di ko din alam eh wahaha.
Sila yan hanapin nyo na lang ako ahaha. Kulang nga lang kami ung drummer namin.

Dahil sa kanila I found a new friend, a new family and a new home and namamaximixed ko ang talent na kaloob ni God. charness ahaha. Love you all guys. Dahil sa inyo di lang puro tulog ang ginagawa ko pag week end :)

Friday, February 17, 2012

Tapos na ba?

Ahaha talagang nilagpasan ko ang Feb. 14 para magpost uli ng bago.

Matagal na kasi akong officer ng NBSB so deadma-deadmahan na lang ang drama ko. Pero nagpahaircut ako nung 13 kahit waley date. Bakit ba? pwede namang magpaganda di ba?
Sawa na kasi ako sa long hair. Lam mo un gusto mo ng bago. Pero sorry babae lang namiss ko na ang super long hair ko waaahhh. Though I love my new hair cut, medium length lang naman siya. So walang difference.

Pero sabi nga ni sir mots http://motsmots.blogspot.com/ na walang magpupula. May nagpula talaga. Pero cute silang tignan. Medyo elder na couple na terno na ang damit ♥. Ang sweet di ba. Yang picture di yan un pero para may maimagined kayo nakared sila at take note nakadress si mother hehe perfect for valentines date. Kaya ayaw ko man sabihin belated Happy Valentines Day especially sa lahat ng couple na nakita ko sa Gateway, Alimall at Farmer's wahaha.

Wednesday, February 8, 2012

2 - 0 - 1 - 2


First post ko ngayong 2012. Sipag ko kasing magblog ahaha.

Hmm medyo maganda ang simula ng taon sa kin. Japan flag. Yes, OO malapit na ata akong kantahan ng 'Napakaraming Nurse dito sa amin, pero bakit nawawala sila? Nagaabroad sila? ahaha.

First week nitong taong to nung matanggap ko ang text na for interview na nga ako. Naghintay pa ko ng halos isang buwan dahil di daw nakauwi ung employer, direct hire kasi. Ngayon nga maghanda na daw ako dahil next week na ang interview ko.

Ang tanong handa na ba kong maging OFW? Hahay December ako nagpasa ng application sa kanila 2 months ko na atang hinahanda ang sarili ko. Pero hinding hindi ka magiging handa umalis na bayan mo para magtrabaho at malayo sa pamilya mo. :(