Saturday, November 12, 2011

Buhay ko bilang RN.

Dami ko ng nababasa na mga article regarding to my profession. Na being a nurse is a noble profession (yan ay kung masuwerte kang nakapagtrabaho sa hospital). Nakakatawa may nabasa ako na ito na ang pambansang course at call center agent ang pambansang trabaho. Sa tingin ko pag nurse ka sa Pilipinas may 3 kang choices. Una, tumambay, magaral uli o maging volunteer in short wala pang sahod. Pangalawa, magtrabaho as nurse kahit mababa ang suweldo. Pangatlo, complete change of career. Hindi sa akin pwede ang una. Extended family kami at hindi na nila ako kayang suportahan ulit. Sa pangalawa hindi ako pinalad na makapagtrabaho as a nurse. Pero sa hospital ako nagtratrabaho, sa office nga lang. Kaya sa pangatlo ako, dito na rin pumapasok ang mga call center agents. Pero di ko naisipan yan mahina ako sa graveyard shift sinusumpa ko yan nung nagaaral pa ko. Nakakatawa di ba, kaya ito sa office ang bagsak ko. 9 hours a day lang ang pasok, kasama na ang 1 hour lunch break at 15 minutes break. Nasa iyo na kug magoover time ka. Wala pang pasok sa week end isama na diyan mga holidays. Sarap! Eh bakit pa ba ako nag nurse?

Recently lang nagexpire na lisensya ko. Parang gusto kung maiyak pag nakikita ko eh. Sa laki ng hirap at gastos ko dito nung nagaaral pa ko. PRC pa lang pahirap na. Sabi ko nga di ko ginustong makapasa ako dati para sa lisensya kung hindi dahil ayaw ko ng pumila. Alam niyo na kung bakit. May naging instructor ako noong madukutan siya ung lisensya nya pinilit nita talagang bawiin eh kahit sa mandurukot na lahat ng laman ng wallet pati na bag nya maibalik lang ang lisensya niya. Naalala ko din nung nalaman ko na nakapasa na ko. Gumastos pa ko ng load para itext ko ang pangalan ko sa bombo radyo at iannouce nila pag nakapasa ako. Hindi ko naman narinig sa sobrang kaba ko ata nabingi ako. Nalaman ko lang nung itext ako ng kaibigan ko na confirmed pasado nga ako. Ang saya sa feeling mga one week akong ganun. Nag-aral pa ko ng medical transcription kasi di ko naman iniexpect na makakapasa ako. Pioneer BSN batch kami ng school namin. Pero after a week. Now what?

Sa kabilang banda nagpapasalamat na din ako dahil nakapagtapos ako at nakapagtrabaho, bonus pa na may lisensya ako. Kahit na madaming nanghihinayang. Boss ko nga parang pinapaalis na ko eh apat na taon na daw ang nasasayang. Nanghinayang naman ako. Pero kung habang buhay kong ipaglalaban ang lisensya ko hindi ako kikita. Sino ba namang ayaw kumita ng sariling pera hindi ba. Lalo na ngayong magpapasko na mayaman na naman ang mga empleyado. Masaya ako na nakakatulong na ako Kung ako tatanungin gusto ko pa din namang maging ganap na nurse at hindi sa lisensya lang. Kaya kung ipagkakaloob sa kin iyon bakit hindi di ba kahit magsimula ako ulit sa umpisa. Pero kung hindi naman, magiging masaya ako sa kung ano man ang meron ako ngayon.